“Photo via Wikimedia Commons, CC BY-SA 3.0”.
August 2025 — Ever wonder bakit minsan iba ang score ng judges sa nakita mo sa TV? Heto ang mabilis at praktikal na gabay.
Four scoring criteria (10-point must)
- Clean punching: malinaw na tama, hindi block o glance. Body shots count a lot.
- Effective aggression: sumusugod at nakakagawa ng malinis na tama (hindi habol lang).
- Ring generalship: sino ang nagdidikta ng bilis, distansya, at istilo ng laban.
- Defense: iwas, block, parry, footwork na naglilimita sa malinis na tama ng kalaban.
How a tight round gets decided
- Quality over volume: limang malinis > sampung slap.
- Body work matters: tahimik sa crowd, pero malaki sa judges.
- End of round flurries: maganda tingnan, pero hindi awtomatikong panalo kung wala sa buong minuto.
- Footwork & control: sino ang nakakuha ng gusto niyang distansya?
Knockdowns & fouls
- Karaniwang 10-8 ang round na may knockdown (maaari ring 10-7 kung dominant).
- Point deductions sa fouls (headbutt, low blow, holding) pwedeng mag-swing ng malapit na laban.
Fan checklist habang nanonood
- Mark small tallies per fighter sa bawat malinaw na tama.
- Tignan kung sino ang mas epektibo—hindi lang mas busy.
- Sa dulo ng round: ask “Sino ang mas marami at mas malinis?”
No comments:
Post a Comment